7.18.2015

Buhay Probinsya




Eto yung okay pag umuuwi sa probinsya eh - pwede mo pakisamahan lahat.

Pagdating kahapon ng umaga, konting kwentuhan sa mga magulang, ilang minutong playtime with Loki, kain ng ni-request na almusal na kaleskes (or sabaw na tanging utak at laman-loob lang ng baboy ang laman), tapos tulog. Sarap matulog dahil malakas ang ulan. 

Pagkagising, may mga nagtatawag na. Makikikain sa bahay ng kaibigan dahil despedida nya, pupunta na sya sa Amerika para makasama ang kanyang fiancee at doon na rin maghahanap-buhay. Kain, syempre di maiiwasan ang inuman. Inuman kasama ang mga dating kakilala, kasama ang mga taong never ko naisip na makakasama sa kwentuhan at inuman - kasi bata ka pa lang, matanda na sila eh, malalayo agwat ng edad nyo, tapos yung iba pa, halos kaedad na ng tatay mo, yung isa, tatay ng kaklase mo.


Pag-uwi naman, may mga kaibigang balikbayan din. Mga teenagers naman ang kasama ngayon, mga batang inaalagaan mo dati at pinagagalitan pag sumobra sa kakulitan. Tapos biglang kainuman mo na rin sila. Sakyan mo lang din lahat ng trip nila. Masaya. Ibang genre ng music ang trip, ibang inumin ang gusto. Okay lang namang painumin sila ng alak, nasa bahay lang naman sila eh. Mabuti na rin yun kesa gumala sila sa labas. Alak lang, wala namang yosi. Tsaka hindi naman sila basag eh, tamang social drinking lang. Di naman yan maiiwasan. Darating din sila dyan. 

Tapos inabutan na kayo ng madaling araw, nakaramdam kayo ng gutom. Kahit umuulan, sige lang, hanap lang ng payong at sugod na sa 24/7 lugawan na may katabing 24/7 din na nagtitinda ng pandesal. Naglakad at nagtatawanan sa kalsada kahit umuulan. Nagpipicturan at nagi-Snapchat pa. Kasama pa yung asong ayaw din pahuli sa lakad ng mga amo. 

Ang daming nangyari, ang daming napagkwentuhan, ang daming tawanan. Tapos yung pera mo, halos di gumalaw. Yung presyo ng isang meal mo sa Maynila, marami nang napakain pagdating sa probinsya. Bukod sa masaya ka na, may mga napasaya ka pa.

Ayan, napahaba na. Di ko na alam kung pa'no tapusin 'tong status ko, kaya gan'to na lang basta na lang mawawala.

No comments:

Post a Comment